Ayon kay Mayor Joy Belmonte, minarapat na bigyan ng protective gears ang COVID-19 frontliners upang maprotektahan ang palagiang pakikisalamuha sa mga persons under investigations.
Boy Santos/File
COVID-19 frontliners iisyuhan ng protective gear- Mayor Joy Belmonte
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - February 15, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pagkakalooban ng Quezon City government ng 2, 500 sets ng  Personal Protective Equipment (PPE) at 3, 500 N95 masks  ang COVID -19 frontliners para matiyak ang kanilang kaligtasan laban sa naturang virus.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, minarapat na bigyan ng protective gears ang COVID-19 frontliners  upang maprotektahan ang palagiang pakikisalamuha  sa mga  persons under investigations (PUIs).

“We are the first city to do this because we believe it is better to be safe than sorry,” pahayag ni Belmonte.

Sa susunod na linggo ay pangungunahan ni Belmonte ang pamamahagi ng PPE sets makaraang sanayin ang mga barangay health workers at Barangay Health Emergency Res­ponse Teams (BHERTs) para rito.

Ang hindi anya magagamit na PPEs ay itatago dahil maaari naman itong tumagal ng tatlong taon at maaaring magamit sa ibang pangangailangan sa mga darating na araw.

Ang isang disposable PPE set ay may goggles, N95 mask, surgical mask, gown, coverall suit, footwear protection, gloves at headcap.

“We want to ensure that our health frontliners are safe from the virus, especially since our role is to transport PUIs to our sentinel hospitals,” pahayag ni QCDDRMO head Mike Marasigan.

Anya ang mayroon lamang na certificate of training ang papayagan na gumamit at magsuot ng PPEs at maaaring tumulong sa paglilipat sa PUIs.

Sinabi pa ni Belmonte na ang QC ay nakabili na ng dagdag na 3,000 N95 mask, 300 non-contact infrared thermometers para sa mga paaralan at 6 high-grade thermal cameras para magamit sa mga ospital.

JOY BELMONTE PERSONAL PROTECTIVE EQUIPMENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with