Grupo ng estudyante, inararo ng jeep: 1 patay, 7 sugatan
Kinilala ang nasawi na si Julees Villapando, 13, na nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo at katawan. Ang iba pang sugatan ay sina Dexter Aquino, 13; Alvin Regalario, 14; Donita de Chavez, 13; Serjen Arucan, 14; Andrei dela Cruz, 15; Phoebe Marie Pestano, 15; at Oscar Wendell Ponce, 17.
STAR/File
Grupo ng estudyante, inararo ng jeep: 1 patay, 7 sugatan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - February 14, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang binatil­yong estudyante habang pito pang kabataan ang sugatan makaraang araruhin sila ng isang pampasaherong jeep habang tumatawid sa isang pedestrian lane sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang nasawi na si Julees Villapando, 13, na nagtamo ng malubhang pinsala sa ulo at katawan.  Ang iba pang sugatan ay sina Dexter Aquino, 13; Alvin Regalario, 14; Donita de Chavez, 13; Serjen Arucan, 14; Andrei dela Cruz, 15; Phoebe Marie Pestano, 15; at Oscar Wendell Ponce, 17. 

Sinabi ni Makati City Police chief, Col. Rogelio Simon na tatlo sa mga biktima ang ‘under observation’ pa sa Ospital ng Makati habang apat sa kanila ay nakalabas na ng pagamutan makaraang matiyak na ligtas na sila sa kapahamakan.

Arestado at nasa kustodiya na ng Makati City Police-Traffic Bureau ang tsuper na suspek na si Crisalde Jaictin Tamparo, 31.

Sa ulat ng Makati City Police, kalalabas lang ng mga biktima sa kanilang paaralan dakong alas-7:20 ng gabi at tumatawid sa pedestrian lane sa kanto ng J.P Rizal Avenue at Mabini Street sa Brgy. Poblacion habang ginagabayan ng nakatalagang traffic enforcer nang biglang humarurot ang isang jeep (PYV 848) at inararo ang mga biktima.

Kita sa ‘closed circuit tele­vision camera’ ng barangay sa lugar ang ginawang pag-araro ng jeep na bigla rin namang huminto habang nagtalsikan ang mga mga biktima.  Ilan sa mga nasapul ng biktima ay agad na nawalan ng malay.

Depensa ng suspek, nawalan umano ng preno ang jeep sa kabila na nagawa niyang mapahinto ito matapos na mang-araro ng mga biktima.  Lumalabas rin na walang driver’s license si Tamparo dahil sa nakumpiska ito ng mga enforcer noong Setyembre dahil sa pagkakasangkot rin sa isa pang aksidente ngunit patuloy pa rin na nagmamaneho.

 

ACCIDENT
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with