Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente, ang mga Chinese passengers ay pinagbawalan makapasok sa NAIA terminal 1 nang dumating ang sinasakyan nilang Philippine Airlines flight galing Phnom Penh, Cambodia.
Rudy Santos/File
36 Chinese hinarang sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 9, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 36 Chinese nationals na nagmula sa Macau, na kabilang sa travel ban na ipinatutupad ng pamahalaan dahil sa 2019 novel coronavirus outbreak.

Sinabi ni Immigration Commissioner Jaime Morente,  ang mga Chinese passengers ay pinagbawalan makapasok sa NAIA terminal 1 nang dumating ang sinasakyan nilang Philippine Airlines flight galing Phnom Penh, Cambodia.

Hindi sila pinapasok nang malaman galing silang Macau. Nabatid pa na ang mga Chinese ay bumiyahe ng grupo at nagmula ng Macau noong Pebrero 1.

‘Under the travel ban, ­foreigners will not be allowed to enter the Philippines if within the past 14 days they have traveled either to China, Macau and Hongkong.’ sabi ni Morente.

Napag-alaman ang  36 dayuhan ay pansamantalang inilipat ss Bureau of Quaran­tine para mainpeksyon at agad pinaalis ng paliparan sakay ng first available flight sa Phnom Penh.

Samantala, inihayag naman ni BI spokesperson Dana Sandoval na nire-require na rin ngayon ng ahensya sa kapwa foreign at Pinoy passengers buhat abroad na kumpletong sagutan at isu­mite ang kanilang arrival cards habang sumasailalim sa immigration arrival formalities ng BI officers.

Layunin nito na maasistihan ang mga health at police personnel na matukoy ang mga pasahero na nagmula sa mga areas of concern.

CHINESE NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with