Maghahatid at susundo sa mga pasahero sa NAIA limitahan
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 8, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inabisuhan ni MIAA gene­ral manager Ed Monreal ang publiko na may mga pasaherong sasalubungin o ihahatid sa mga international terminals sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na iwasan munang magpunta nang maramihan para hindi mag-over crowded ang pa­liparan.

Umapila si Monreal, sa mga pamilya at mga kaibigan ng mga airline passengers na huwag magsama ng mga mabilis kapitan ng sakit sa airport lalo’t mga bata, matatanda, immuno-compromised indivi­duals  at may mga masamang pakiramdam para maprotektahan ang mga ito sa posibleng exposure.

Kaugnay ito sa pagsisikap ng pamahalaan na masawata ang pagkalat ng nCoV.

“Ang apilang ito ay hindi para mag-alarma ang publiko. Ito ay simpleng paraan lamang ng pagsuporta sa mga pagsisikap ng inter-agency upang maiwasan at mapigilan ang pagkalat ng mga virus,” sabi ni Monreal.

‘Let us say our goodbyes at home and not go to the airport in groups when meeting a passenger. It is very hard to fight tradition, but in times like this, everyone should look out for their own safety,’ paliwanag ni Monreal. 

Para masiguro ang panawagan ni Monreal sa publiko, inatasan nito ang kanyang pass control officials na limitahan ang pagbibigay ng arrival at departure access passes sa apat na NAIA terminals sa mga gustong makapasok sa paliparan at masundo ang kanilang mga mahal sa buhay.

Sinabi ni Monreal, na may mga exception din silang ibibigay tulad sa mga may medical patients, emergency cases, person with disability, walang kasamang matatanda, menor de edad o buntis na babae.

Lilimitahan din ang pagbibigay ng mga access pass sa NAIA-VIP rooms para sa airport reception ng mga opisyal na mga bisita ng gobyerno at ng mga dayuhang embahada.

NAIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with