Sinabi ni Talusan, dumating ang suspek sa NAIA terminal 3 dakong alas-3 pasado ng madaling araw dala ang bagahe nang idaan ito sa x-ray scanning machine. Nagulat na lamang si Janwong na makita niya ang x-ray image ng kanyang bagahe sa loob ng scanning machine na may kahinahinalang hugis ng shabu na nakatago sa tatlong pakete na ibinalot sa carbon paper at packaging tape.
STAR/File
Thai national huli sa P28 milyong shabu sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 4, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ng mga alistong tauhan ng Bureau of Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, ang isang Thai national nang tangkaing ilabas sa paliparan ang may P28 milyon halaga ng shabu matapos isalang sa  x-ray scanning machine ang kanyang bagahe ilang minuto pagkatapos nitong lumapag sa airport.

Kinilala ni BOC-NAIA District Collector Carmelita ‘Mimel’ Talusan,  ang babaeng suspect na si Pakjira Janwong, pasahero ng flight Z2 288 galing Bangkok,Thailand.

Sinabi ni  Talusan, dumating ang suspek sa NAIA terminal 3 dakong alas-3 pasado ng madaling araw dala ang bagahe nang   idaan  ito sa x-ray scanning machine. Nagulat na lamang si Janwong na makita niya ang x-ray image ng kanyang bagahe sa loob ng scanning machine na may kahinahinalang hugis ng shabu na nakatago sa tatlong pakete na ibinalot sa carbon paper at packaging tape.

Tumitimbang ang ilegal na droga ng 4.125 kilo na nagkakahalaga ng P28 milyon.

Si Janwong ay isinalin sa  pangangalaga ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) upang sampahan ng kaukulang kaso sa Pasay City Prosecutors Office sa pag-iingat ng ipinagbabawal na gamot.

NAIA SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with