Ayon sa pulisya  bandang alas â 3:05 ng madaling araw ay nakasagupa nang tumugis na mga operatiba ng Eastwood Police Station (PS) 12 ang tatlong armadong holdaper sa Obrero Street, Brgy. Bagumbayan ng lungsod .
STAR/FIle
3 holdaper utas sa engkuwentro
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong pinaghihinalaang notoryus na mga holdaper ang napaslang  sa naganap na shootout sa  Brgy. Bagumbayan, Quezon City kahapon ng madaling araw.

Ayon sa pulisya  bandang alas – 3:05 ng madaling araw ay nakasagupa nang tumugis na mga operatiba ng Eastwood Police Station (PS) 12 ang tatlong armadong holdaper sa Obrero Street, Brgy. Bagumbayan ng lungsod .

Bago  ito ay nasangkot ang mga suspect sa panghoholdap sa mga biktimang sina Fe Buenaventura at sa 15- anyos na binatilyong estudyante.  Naglalakad ang mga biktima sa kahabaan ng Obrero Street, Brgy. Bagumbayan ng siyudad na ito dakong alas -2:45 ng madaling araw nang harangin ng tatlong mga armadong suspect.

Agad na tinutukan ng baril ng tatlong suspect ang mga biktima sabay deklara ng holdap.

Matapos ang panghoholdap ay agad na humingi ng tulong ang mga biktima at eksakto namang napadaan sa lugar ang mga nagpapatrulyang operatiba ng pulisya  na mabilis na hinabol ang nagpupulasang mga suspect.

Gayunman, nang malapit ng maabutan sa halip na sumuko ay pinaputukan pa ng mga ito ang mga awtoridad na nauwi sa palitan ng putok at kanilang ikinamatay.

 

HOLDAPER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with