2 airport personnel, 1 immigration officer arestado sa kotong
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang airport personnel at isang immigration officer ang inaresto ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group (ASG.) matapos na ireklamo  ng umano’y pangongotong sa Royal Air Philippine dahilan upang ikasa ang entrapment operation sa Parañaque City.

Kinilala ni PNP-AvseGroup Director P/Brig.Gen. Crizaldo O. Nieves ang naarestong suspek na si Rene Ares Cascano, Jodrel Victoriano, kap­wa ground handler at Rino Romero, isang Immigration officer na umano’y mastermind ng naturang sindikato.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ni P/Capt.Roberto Papa, chief ng PNP-AvseGroup Intelligence Division, nakatanggap sila ng reklamo mula sa tanggapan ng Royal Air Philippines na hinihingan umano ng mga suspek ng halagang P600,000 ang nasabing airline bilang bayad nito sa non commercial flights.

Ayon kay Papa nagpanggap na empleyado ng immigration sina Cascano at Victoriano na kapwa mga ground handler sa airport.Dahil dito ay agad ikinasa ang entrapment operation dakong alas-2 ng hapon sa loob mismo ng Royal air office na matatagpuan sa Quirino Avenue sa Parañaque City kung saan nagtungo roon ang dalawang suspek upang kunin ang napagkasunduang pera.Nang makuha ng mga suspek ang pera mula sa isang em­pleyado ng Royal Air Philippines ay hindi na sila nakapalag ng dakmain ng mga pulis. 

Ikinanta naman ng isa sa mga suspek na isang nagngangalang Boss Jake na isang immigration officer ang kanilang kasabwat sa modus operandi sa NAIA terminal 3.

Agad na nagtungo sa nasabing paliparan ang mga awtoridad kasama ang dalawang nadakip na suspek na silang nagturo kay Romero na tinatawag nilang Boss Jake.

ARRESTED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with