Nag-uumpisa ang road reblocking alas-11 noog Miyerkules ng gabi hanggang Enero 31 upang bigyang daan ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways. Kabilang sa mga proyekto ang rehabilitasyon ng C5 Ortigas Flyover. Tatagal ang proyekto ng 180 araw at mag-uumpisa mula Ene­ro 31 hanggang Hulyo 28.
STAR/Michael Varcas
Mas matindi pa at matagal na trapik, asahan sa 5 malalaking road repairs
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 30, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na umiwas sa mga kalsada dahil sa ikakasang limang pinakamalalaking road repairs na tatagal ng maraming araw.

Nag-uumpisa ang road reblocking alas-11 noog Miyerkules ng gabi hanggang Enero 31 upang bigyang daan ang mga proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Kabilang sa mga proyekto ang rehabilitasyon ng C5 Ortigas Flyover. Tatagal ang proyekto ng 180 araw at mag-uumpisa mula Ene­ro 31 hanggang Hulyo 28.

Isasara naman ng pitong araw ang EDSA North Bound malapit sa Taft Ave­nue, Pasay City na nagsimu­la kahapon (Enero 29) hanggang Pebrero 4 tuwing alas-11 hang­gang alas-5 ng ma­daling araw.  Gagamitin ang isang lane ng kalsada para sa delivery ng mga mater-yales at ‘concrete pouring’.

Pitong araw din isasara ang EDSA South bound sa tapat ng AMA Towers Residences sa Mandaluyong City simula kahapon (Enero 29) hanggang Pebrero 4, alas-7 ng gabi hanggang alas-5 ng umaga para bigyang daan ang pagkakalas sa ‘steel safety canopies.’

Tatagal naman ng 270 araw ang proyekto ng rehabilitasyon ng Oroquieta Street kabilang ang drainage sa may Sampaloc, Maynila.  Mag-uumpisa ang road reblocking mula Enero 31 hanggang Oktubre 26.

Kukumpunihin din ang R. Magsaysay Blvd. at R. Magsaysay Service Road kabilang ang drainage sa Quezon City na tatagal ng 150 araw mula Enero 29 hanggang Hunyo 26.

DPWH TRAFFIC
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with