Sinabi ni Mayor Joy Belmonte , dapat na agad iparating sa kinauukulan kung may makita o malaman na posibleng kaso ng nasabing sakit para makagawa ng agarang tugon ang gobyerno.
Boy Santos/File
Quezon City, pinaigting na ang kampanya kontra nCoV
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Kahit wala pang kumpirmadong kaso sa ating bansa, naglaan na ang Quezon City government ng 8, 000 piraso ng N95 masks na ipamimigay sa sandaling kailanganin para hindi kumalat ang nakakahawang sakit na 2019 novel coronavirus (2019-nCoV).

Ito ang isa sa precautionary measure na inilatag ng QC health department bilang tugon sa direktiba ni Mayor Joy Belmonte sa lahat ng ospital sa lungsod na paigtingin ang surveillance laban sa posibleng kaso ng nCoV sa lungsod.

Sinabi ni Belmonte, dapat na agad iparating sa kinauukulan kung may makita o malaman na posibleng kaso ng nasabing sakit para makagawa ng agarang tugon ang gobyerno.

Bukod sa N95 masks, handa na rin ang dalawang unit ng ambulansya ng QC government  na mayroong isolation covers mula sa  City Disaster Risk Reduction and Management Office para sa sakit.

Kaugnay nito, pinayuhan ni Dr. Rolando Cruz, head ng city health department epidemiology and surveillance unit ang mga taga QC na ugaliin ang proper hygiene, gaya ng paghuhugas ng kamay, pagtakip ng bibig kapag umubo maging ang paggamit ng sanitizer.

 

NCOV
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with