Epektibo sa Pebrero 1, 2020, sa araw ng Sabado, ipatutupad ang rolbak sa presyo ng LPG na maglalaro sa pagitan ng P4 hanggang P6 kada kilo.
STAR/File
Rollback sa LPG at petrolyo, epekto rin ng coronavirus
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Matapos ang rolbak sa petrolyo, nakatakdang magbaba rin ang presyo ng ‘liquefied petroleum gas (LPG)’ sa darating na Pebrero na isa sa nakikitang dahilan ay ang pagkalat ng coronavirus.

Epektibo sa Pebrero 1,  2020, sa araw ng Sabado, ipatutupad ang rolbak sa presyo ng LPG na maglalaro sa pagitan ng P4 hanggang P6 kada kilo.

Nangangahulugan ito ng posibleng P44 hanggang P66 na tapyas sa kada 11-kilong tangke ng LPG na gamit sa mga tahanan.

Ayon sa Department of Energy (DOE), ang rolbak ay dahil sa pagbaba ng halaga ng produktong petrolyo sa world market.  Isa sa nakikitang dahilan ay dahil sa nabawasan ang mga bumibiyahe dahil sa pananatili ng publiko sa mga tahanan kaya bumaba ang ‘demand’ sa petrolyo.

Partikular ito sa China na isa sa may pinakamataas na konsumo ng petrolyo. Nag-umpisa umano ang trend bago pa man ang Chinese New Year.

Nitong Martes, marami sa mga kompanya ng la­ngis ang nagpatupad ng rolbak. Nasa P.30 sentimos sa gasolina, P.40 sentimos sa diesel at P.35 sa kerosene ang itinapyas.

 

CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with