^

Metro

Ginang na nagbebenta ng pekeng pension claim, arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Ginang na nagbebenta ng pekeng pension claim, arestado
Kinilala ang inaresto na si Elizabeth Geronimo Katigbak, 58, ng Dulong Tangke, Malinta, ng naturang lungsod.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Dinakip ng mga pulis ang isang ginang na itinurong nagbebenta ng pekeng pension claim para sa mga senior citizen makaraang mabisto ang tangkang panggagantso sa City Social Welfare and Development Office ng Valenzuela City, kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ang inaresto na si Elizabeth Geronimo Katigbak, 58, ng  Dulong Tangke, Malinta, ng naturang lungsod. 

Sa ulat ng Valenzuela City Police, unang nadiskubre ang tangkang panloloko dakong alas-11 ng Biyernes ng tanghali sa loob ng tanggapan ng CSWDO sa Barangay Karuhatan nang matukoy ni Ma. Evan Grace Carmelo, social worker, na peke ang mga dokumentong isinumite ng aplikante para sa pension na si Lucita Cortez, 59.

Kabilang sa mga nakitang peke ang PWD Identification Card ni Cortez na wala sa kanilang database at ang CSWDO Notification Letter for Pension na may bura at typewritten ang pangalan sa halip na computerized.  Nang usisain kung kanino nakuha ni Cortez ang mga dokumento, itinuro niya si Katigbak na nagbenta sa kaniya ng mga ito sa halagang P1,250.

Itinuro rin ni Cortez si Katigbak na nasa pila para makakuha rin ng sarili niyang pension.  Dito na tumawag ng pulis ang CSWDO na siyang pasimpleng umaresto sa suspek para hindi maalarma ang ibang aplikante.

Isinasailalim siya ngayon sa masusing imbestigasyon para matukoy ang operasyon habang nahaharap ito  sa kasong Falsification of Public Documents sa Valenzuela City Prosecutor’s Office.

vuukle comment

ELIZABETH GERONIMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with