^

Metro

Isko ‘di natinag sa coronavirus, pinangunahan ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Binondo

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Isko �di natinag sa coronavirus, pinangunahan ang pagdiriwang ng Chinese New Year sa Binondo
Naging makulay at masaya ang okasyon lalo na nang dumugin at magpa-selfie ang mga tao nang makitang nakisali sa grand parade na nagmula sa Central Post Office patawid ng Jones Bridge hanggang sa Binondo sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna.
Isko Moreno Domagoso FB Page

MANILA, Philippines — Hindi nagpa-apekto sa kinatatakutang 2019 novel corona virus (nCoV)  ang publiko dahil sa kabila ng posibleng may makahalubilong may taglay nito sa kilalang Chinese community sa Binondo ay dinagsa pa rin ang  pagdiriwang ng Chinese New Year kahapon.

Naging makulay at masaya ang okasyon lalo na nang dumugin at magpa-selfie ang mga tao nang makitang nakisali sa grand parade na nagmula sa Central Post Office patawid ng Jones Bridge hanggang sa Binondo sina Manila Mayor Isko Moreno at Vice Mayor Honey Lacuna.

Habang nasa parade ay nagpaagaw din ng Angpao na may lamang pera at pulang t-shirt sina Moreno, Lacuna hanggang sa pagsapit sa Ongpin St., Binondo .

Namigay din ng tulong si Moreno sa mga indigent families na nakatira Binondo, partikular sa San Nicolas area na nasa 3,000 pamilya ang nakatira.

Ikinatuwa ni Moreno na sa gitna ng pangamba sa bagong coronavirus na napaulat na nagsimula sa Wuhan, China, hindi nito natabunan ang diwa ng selebrasyon.

Tiniyak niya rin na patuloy ang pamahalaang lungsod sa pagbibigay ng precautionary measures para hindi maapektuhan ang mga mamamayan dahil alam niyang ang Binondo, na nasa lungsod ang pinakamalaking Chinatown na dinadayo.

vuukle comment

ISKO MORENO

NCOV

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with