Ito ang mariing direktiba kahapon ni National Capital Region Police Office Director Police Major Gen. Debold Sinas sa lahat ng kanyang nasasakupan.
Freeman Photo
NCRPO cops bawal maglaro ng golf kahit weekend
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Bawal nang maglaro ng golf kahit weekend !

Ito ang mariing direktiba kahapon ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director Police Major Gen. Debold Sinas sa lahat ng kanyang nasasakupan.

Kasabay nito, hinikayat naman ni Sinas ang netizens na isumbong ang sinumang opisyal o pulis na mahuhuli ng mga ito sa akto na naglalaro ng golf  na kunan ng video  at larawan bilang ebidensya.

Una nang sinabi ni PNP Chief Police General Archie Gamboa na bawal ang maglaro ng golf sa kapulisan tuwing weekdays o oras ng trabaho at ang kaniyang pinahihintulutan  ay tuwing weekends o Sabado at Linggo.

Sa bersyon ng NCRPO director hindi lamang limang araw bawal maglaro ng golf kundi sa buong linggo o araw-araw bawal kahit na off duty ang mga opisyal o sinumang tauhan ng NCRPO.

Ginawa ni Sinas ang babala kasunod ng pagkakahuli sa tatlong opisyal ng Central Visayas Police na naglalaro ng golf sa oras ng trabaho at bunga nito ay sinibak ang mga ito  sa puwesto ni Gamboa.  

Binalaan ni Sinas na sinumang mga pulis sa NCRPO na mahuhuling naggo-golf ay kakasuhan niya at sisibakin sa puwesto.

DEBOLD SINAS NCRPO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with