Pagbasura sa firearms case ni Parojinog Jr. tinanggihan ng Quezon City court
Si Parojinog Jr. at kanyang kapatid na si Oza­miz City Vice Mayor Nova Parojinog ay kinasuhan ng illegal possession of firearms at possession of illegal drugs sa QC court makaraang mahuli sa isang raid sa kanilang bahay sa Ozamis City noong July 2017.
The STAR/Edd Gumban, File
Pagbasura sa firearms case ni Parojinog Jr. tinanggihan ng Quezon City court
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tinanggihan ng Quezon City court ang kahilingan ni Reynaldo Parojinog Jr. na maibasura ng korte ang kanyang kasong illegal possession of firearms.

Si Parojinog Jr. at kanyang kapatid na si Oza­miz City Vice Mayor Nova Parojinog ay kinasuhan ng illegal possession of firearms at possession of illegal drugs  sa QC court makaraang mahuli sa isang raid sa kanilang bahay sa Ozamis City noong July 2017.

Sa raid na ito, napas­lang  ang kanilang ama na si Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog at  14  na iba pa.

Si Parojinog Jr.  ay napatunayang guilty sa kasong pagdadala ng  illegal drugs  noong May 2019 at kinakitaan ito ng 2  pistols at shotgun.

Sa kanyang request, sinabi ni Parojinog Jr. na hindi siya maaaring maidiin sa 3 counts ng illegal possession of firearms  sa QC court dahil ang naisilbi sa kanyang search warrant noong 2017 ay illegal na naisagawa dahil mayroon siyang lisensiya para magdala ng baril.

Pero ipinunto ni QC RTC  Branch 105 Acting Presiding Judge Editha Mina-Aguba na hindi maaaring ibasura ang kaso dahil ang naturang armas na kargado ng bala ay nakuha at nasamsam dito nang maipatupad ang search warrant.

Binigyang diin ng korte na ang nakumpiskang articles mula sa raid ay nasamsam sa harap ng asawa at anak ng akusado at isang matanda na naninirahan sa kanilang tahanan.

ILLEGAL POSSESSION OF FIREARMS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with