Kinilala ni Marikina City Police chief Colonel Restituto Arcanghel ang mga nasugatang parak na sina Master Sergeants Demetrio Magpali Jr., at ‘Edward Yap, kapwa kasapi sa District Special Operations Unit ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region.
STAR/File
Barilan sa Marikina: Sundalo patay, 2 pulis sugatan
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawang pulis ang nasugatan habang napaslang naman ang sundalong umatake sa mga ito sa bisinidad ng River Banks Mall, Barangka, Marikina City nitong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ni Marikina City Police chief Colonel Restituto Arcanghel ang mga nasugatang parak na sina Master Sergeants Demetrio Magpali Jr., at ‘Edward Yap, kapwa kasapi sa District Special Operations Unit (DSOU) ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group-National Capital Region (PNP-CIDG-NCR).

 Nakilala naman ang sundalong nakabarilan ng mga pulis na si Staff Sgt. Marvin Balucas. Base ito sa ID na nakuha rito.

Bandang alas-11:30 ng tanghali nang mangyari ang insidente sa Boni sa bisinidad ng River Banks Mall, Barangka ng lungsod.

Ayon sa imbestigasyon kasalukuyang lulan ng kanilang mga motorsiklo sina Magpali at Yap nang harangin ng suspect na sakay rin ng motorsiklo at paulanan sila ng bala.

Agad namang gumanti ng putok ang dalawang parak.

Sa kainitan ng palitan ng putok ay tumimbuwang ang suspect na nasawi sa pinangyarihan ng engkuwentro.

Patuloy namang inaalam ang pagkaka­kilanlan sa suspect  upang matukoy ang motibo ng pamamaril sa mga biktima.

BARILAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with