“Kailangan nating mag-concentrate sa ‘Big One’, sa West Valley Fault at kailangang matiyak at mailatag ang kahandaan ng LGUs sa Metro Manila”, ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia.
Boy Santos
Metro Manila dapat maghanda sa ‘The Big One’
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

Paalala ng MMDA

MANILA, Philippines — Nagpaalala kahapon ang Metropolitan Manila Deve­lopment Auhtority (MMDA) sa mga local government units na laging maging handa sa ‘The Big One’ o malakas na lindol na maaa­ring tumama sa metropolis.

“Kailangan nating mag-concentrate sa ‘Big One’, sa West Valley Fault at kailangang matiyak at mailatag ang kahandaan ng LGUs sa Metro Manila”, ayon kay MMDA General Manager Jojo Garcia.

Pinangunahan ni Garcia ang regular meeting ng Metro Manila Council (MMC) sa MMDA office kahapon.

Sa isinagawang pagpupulong prinisinta ni Phivolcs director Renato Solidum Jr., ang mga senaryo sakaling maganap ang malakas na paglindol sa Metro Manila sanhi nang paggalaw ng West  Valley Fault

Ang naturang fault na idineklara ng mga state seismologists na ‘hinog na sa paggalaw’, ay may habang 100 kilometro na nasasakupan ng Marikina, Quezon City, Pasig, Taguig at Muntinlupa.

Base sa kanilang babala na ang magnitude 7.2 na lindol sa West Valley Fault ay maaaring kumitil sa buhay ng may 48,000 sa MetroManila, Bulacan, Rizal, Laguna, Cavite at Pampanga.

Ang posibilidad ng malakas na lindol sa Kalakhang Maynila ay kailangang tratuhin na ‘biggest prio­rity’, ayon pa kay Garcia.

Dapat umano palakasin ng MM local government units ang kanilang komunikasyon at coordination mechanisms sa ibang emergency response agencies, ayon pa kay Solidum. 

THE BIG ONE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with