Bilang pagtalima naman sa kautusan ni Tugade, tiniyak ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco na patuloy silang nakikipag-ugnayan at sumusuporta sa pagsusumikap ng Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine na mabantayan ang mga pali­paran mula sa coronavirus.
AFP/Roslan Rahman
Airports at seaports inalerto ng DOTr vs coronavirus
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 24, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — lnalerto ni Transportation Secretary Arthur Tugade ang lahat ng mga ports of entries sa bansa kasunod ng banta ng bagong coronavirus strain na namiminsala na ngayon sa Wuhan, China at iba pang bansa.

“Please adopt all mea­sures necessary and expedient to address the issue on coronavirus, considering world developments and the influx of passengers expected this Lunar New Year,” ito ang direktiba ni Tugade  sa lahat ng pinuno ng mga ahensiya ng apat na sektor ng transportasyon, partikular na ang Aviation, Airports at Maritime.

Bilang pagtalima naman sa kautusan ni Tugade, tiniyak ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General Jim Sydiongco na patuloy silang nakikipag-ugnayan at sumusuporta sa pagsusumikap ng Department of Health (DOH) at Bureau of Quarantine na mabantayan ang mga pali­paran mula sa  coronavirus.

Masusi rin umano ang kanilang monitoring sa mga dumarating na pasahero, partikular na sa Kalibo International Airport, na may direct flights mula sa Wuhan, China.

Nabatid din na ang Royal Air, na isa sa mga airlines na nag-o-operate ng direct flights sa pagitan ng Kalibo at Wuhan ay nagpahayag na ng intensiyon na suspendihin ang kanilang Wuhan flights hanggang sa tuluyan nang ma-contain at matugunan ang isyu sa coronavirus.

Sa panig naman ng CAAP, ni-reactivate na nila ang kanilang communicable disease preparedness procedures sa lahat ng CAAP-operated airports, partikular na sa mga international gateways gaya ng Puerto Princesa, General Santos, Zamboanga, Davao, Kalibo, Laoag, at Iloilo. 

 Bilang karagdagan, nagpaskil na rin umano sila ng mga public advisories na nag-iimporma sa publiko hinggil sa  coronavirus infections at pagpapatupad ng istriktong monitoring ng mga suspected passengers.

Para naman sa operasyon ng main gateway ng bansa, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) Gene­ral Manager Ed Monreal na nakikipag-ugnayan din sila sa BOQ bilang suporta sa kanilang safety protocols.

Sa Maritime sector naman, nagbigay na ng direktiba si PPA General Manager Jay Santiago sa lahat ng dau­ngan na inu-operate ng Philippine Ports Authority (PPA) na makipag-coordinate sa  quarantine office at magpatupad ng istriktong passenger screening sa arrival areas.

CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with