^

Metro

Korean timbog sa pagdukot sa kababayan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Korean timbog sa pagdukot sa kababayan
Ang Korea­no na nadakip matapos na dukutin ang kanyang kababayan.
Boy Santos

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga ele­mento ng PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG)  ang isang Koreano na sangkot sa pagdukot sa kapwa nito Koreano  na nasagip ng mga operatiba sa rescue operatons na isinagawa sa isang condominium unit sa Ermita, Manila kamakala­wa ng gabi.

Sa press briefing sa Camp Crame, iprinisinta sa mediamen ang nasakoteng suspect na kinilalang si Na Jin Suk, 36.

Ayon kay PNP-AKG director Brig. Gen. Jonnel Estomo ang nasagip na bihag ay nakilala namang si Kim Byeong Mo, 19. Ban­dang alas-6 ng gabi kamakalawa nang masagip ang bihag sa Gotesco Towers B na matatagpuan sa N. Concepcion Street, Ermita  sa  Maynila.

Nabatid na ang biktima ay dumating sa bansa noong nakalipas na Enero 19, 2020 dakong alas-4 ng hapon matapos itong alukin ng isa nitong kaibigan ng trabaho sa Pilipinas.

Ang biktima ay dinala sa Gotesco Towers sa Ermita, Manila at sinalubong ng tatlong Koreano kabilang ang suspect kung saan ipina-surender ng mga ito ang kanyang telepono at passport.

Bandang alas-11 ng gabi naman nitong Enero 20 nang madiskubre ni Byeong Mo na ang kompanya na nag-hire sa kanya ay sangkot sa ilegal na negosyong “voice pishing,” partikular sa ‘telephone fraud’ na ang intensyon ay mango­tong. Nagawa namang makatawag ng biktima sa kanyang ina sa Korea at ipinabatid ang kanyang kalagayan pero tuluyan na itong ikinulong sa isang kuwarto sa nasabing condominium.

Nitong ala-1:10 ng hapon kamakalwa ay dumulog naman sina Korean Desk/Police Liaison Chief Inspector Hyosang Kwon at Jinsu Choi mula sa Embassy ng Republic of Korea sa PNP-AKG Luzon Field Unit (LFU) at humingi ng tulong para masagip si Byeong Mo.

Agad namang ikinasa   ang operasyon ng mga ope­ra­tiba ng PNP-AKG Luzon Field Office sa ilalim ng pamumuno ni Lt. Col. Villaflor Bannawagan kasama ang Korean Police sa pamumuno naman ni Consul and Police Attaché Lee Soo Bok  na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspect.

vuukle comment

NA JIN SUK

PNP-ANTI-KIDNAPPING GROUP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with