Mula January 15, ang QC government ay nakapagtala na ng nalikom na pondo mula sa business permits na may taas na 16 percent at real property tax ng may 29 percent kung ikukumpara sa nagdaang taon sa kaparehong period.
STAR/File
Deadline sa tax payments sa Quezon City pinalawig
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hinikayat ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga taxpayers sa lungsod na samantalahin ang pagbabayad ng buwis na walang penalty.

Ito ay sinabi ni Ma­yor Belmonte nang ma-extend ng hanggang February 2, 2020 ang deadline ng tax payments bilang tugon sa request ng  business community sa lungsod.

“Our business community has requested for additional period of time to allow them to fully comply with the requirements and obligation to the city” pahayag ni Belmonte.

Anya sa QC ay bukas ang lokal na pamahalaan sa anumang suggestions at apela at kung makatwiran naman ang request ay kanila itong inaaksiyunan.

Mula  January 15,  ang QC government ay nakapagtala na ng nalikom na pondo mula sa business permits na may taas na 16 percent at real property tax ng may  29 percent kung ikukumpara sa nagdaang taon sa kaparehong period.

TAX
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with