Trader, itinumba sa basketball court
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang negosyante na dating brgy. tanod matapos na barilin ng isang rider  habang ang una ay nanonood ng  basketball sa covered court ng kanilang barangay sa San Jose, Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang biktima ay kinilalang si Jeffrey Villanueva, 38, may asawa, ng Tendido St., Brgy. San Jose, Quezon City.

Nabatid mula kay Masambong P/Chief Lt.Col. Rodrigo Soriano, na ang krimen ay naganap dakong alas-8:00 ng gabi sa loob ng covered court sa Brgy. Veterans, Calumpit St., Project 7, Quezon City.

Ayon sa report, nakaupo lamang ang biktima at nanonod sa paglalaro ng kanyang mga kaibigan nang lapitan ng suspek at walang sabi-sabing pagbabarilin sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Nang matiyak na patay na ang kanyang target ay mabilis na tumakas ang suspect sakay ng motorsiklo.

Tinamaan naman ng ligaw na bala ang isang Philip Brondial na noon ay nanonood din ng laro at ngayon ay ginagamot sa hindi na tinukoy na hospital.

Hindi pa batid ng pulisya ang motibo sa krimen na siyang subject ngayon sa ginagawang malalimang imbestigasyon.

 

TRADER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with