MMDA enforcer na kumarga sa batang inaapoy ng lagnat patungo sa ospital, pinapurihan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 22, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinapurihan ng pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang isa nilang traffic enforcer na nag-viral sa social media dahil sa pagtulong na kargahin at dalhin sa pagamutan ang isang 5-anyos  na batang lalaki na inaapoy ng lagnat.

Bibigyan ng ‘certificate of commendation’ at gagawing regular na ang status ng trabaho ni Traffic Enforcer 3 Jeremi Jorge Lukban.

Nabatid na naka-duty sa may Alabang Zapote Road si Lukban nitong Enero 18 nang makita ang isang babae na sumasalubong sa trapiko. Kaniyang pinuntahan ang babae na nakilalang si Mit Javellana at nadiskubre na bitbit ang kaniyang anak na inaapoy ng lagnat.

Walang atubiling kinarga ni Lukban ang bata hanggang sa makarating sila sa emergency room ng Alabang Medical Center kung saan agad na nabigyan ng medikal na atensyon ang paslit.  May 200 metro ang layo ng pagamutan sa puwesto ni Lukban.

“Mr. Lukban’s good deed is worthy of emulation. It is a clear manifestation of his high sense of dedication to public service. We are proud that he was able to help a mother in need,” ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim. 

Agad namang sumikat sa social media si Lukban nang isang netizen ang mag-post ng kaniyang larawan habang karga ang maysakit na bata.

MMDA ENFORCER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with