Ayon kay NCRPO director Brig. Gen. Debold Sinas, ang crackdown ay bahagi ng panibagong internal cleansing na iniutos ni PNP chief Lt. Gen. Archie Gamboa.
The STAR/Michael Varcas
Crackdown sa mga pulis na gumagamit ng karnap na sasakyan, sinimulan
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Sinimulan na kahapon ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang crackdown laban sa mga pulis na gumagamit ng karnap na sasakyan na narerekober sa police operations.

Ayon kay NCRPO director Brig. Gen. Debold Sinas, ang crackdown ay bahagi ng panibagong internal cleansing na iniutos ni PNP chief Lt. Gen. Archie Gamboa.

Idinagdag pa nito na sinimulan na nila ang pag-check sa mga license plate para masiguro na ang mga behikulo na ginagamit ng mga pulis ay hindi recovered vehicles.

Ang naturang kampanya ay sa ilalim ng ‘Oplan Viserion’ na bahagi sa panibagong internal cleansing efforts ng PNP.

Kahapon matapos ang flag raising cere­mony ay sumailalim sa lockdown ang Camp Bagong Diwa sa Taguig, ang headquarters ng NCRPO kung saan sinimulan ang inspeksyon  sa mga sasakyan ng mga personnel sa loob ng kampo.

Maging ang limang NCRPO police district ay sumailalim din sa katulad na protocol.

Nabatid sa isinagawang inspeksyon na karamihan sa mga motorsiklo at ibang behikulo ay walang license plate, kaya may duda na posibleng ito ay recovered vehicles.

“Nangangamba kami na posibleng mga carnapped motor vehicles ang ginagamit ng ilang pulis kaya hindi nila ito mairehistro”, dagdag pa ni Sinas.

Simula rin kahapon, ang mga sasakyan na hindi maayos na narehistro o walang dokumento ay pinigilang papasukin sa Camp Bagong Diwa. Ganito rin ang protocol na ipapatupad sa lahat ng police camps at station ng NCRPO, ayon pa kay Sinas.

Nagbabala rin si Sinas sa mga pasaway na pulis na mahaharap sa kaso at ang mga sasakyan na walang kaukulang papeles ay iimpound.

KARNAP NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with