Kinilala ni Maj. Gilbert Valdez, Deputy Fire Mashal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City ang nasawi na si Angelita Unite, 65, nakatira sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo sa lungsod.
File
Lola patay, 3 sugatan sa sunog sa Quezon City
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 21, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Patay ang isang lola, habang tatlo pa ang nasugatan makaraang hindi agad makalabas sa nasusunog nilang bahay sa Brgy. Sto. Domingo, Quezon City, kama­kalawa ng gabi.

Kinilala ni Maj. Gilbert Valdez, Deputy Fire Mashal ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng Quezon City ang nasawi na si Angelita Unite, 65, nakatira sa Don Pepe St., Brgy. Sto. Domingo sa lungsod.

Sugatan din sa insidente sina Fr. Jie Die, 63; Manny Vilien, 48 at John Regalado, 4-anyos.

Sa inisyal na imbestigas­yon ng BFP, nabatid na ang sunog ay sumiklab dakong alas-6:00 ng gabi sa ikatlong palapag na bahay ng isang Crisanta Padilla. 

Hindi pa matukoy ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na umakyat sa ikalimang alarma at nagtagal ng dalawang oras bago tuluyang naapula ganap na alas-8:00 ng gabi.

Ayon sa report, naging mabilis ang pagkalat ng apoy dahil gawa lamang sa light material ang mga bahay sa lugar at dikit-dikit pa.

Nasa 180 pamilya ang nawalan ng tahanan sa sunog na ngayon ay pansamantalang nananatili sa covered court ng barangay.

Agad namang namahagi ang mga awtoridad ng mga tent at relief goods sa mga nasunugan.

SUNOG
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with