Dinudokumento ng tauhang ito ng PNP Drug Enforcement Group ang nakumpiskang shabu na nagkakahalaga ng P68-milyon mula sa dalawang drug suspects makaraang masakote sa isinagawang buy-bust operation sa Malibay, Pasay City noong Sabado ng gabi.
Miguel de Guzman
P71 milyong shabu nakumpiska sa buy-bust
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tumataginting na higit sa P71-milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat ng mga anti-drug operatives ng Southern Police District at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang magkasunod na operasyon sa Pasay at Las Piñas City noong Sabado ng gabi.

Sa ulat ni Pasay City Police chief, PCol Bernard Yang, nasa 10 kilong shabu na nagkakahalaga ng P68-milyon ang nasabat ng kanilang Station Drug Enforcement Group at PDEA-National Capital Region sa ikinasang operasyon sa tapat ng isang bus station sa may kanto ng Apelo Cruz St at EDSA sa Brgy. 151-16 Malibay, ng naturang lungsod dakong alas-8:30 ng gabi.

Dito nadakip ang mga suspek na sina Mia Bianca Atendido, 22-anyos, isang ukay-ukay vendor at residente ng Malibay, Pasay at si Dave Tajores Realin, ng Brgy. Cabuco, Trece Martirez, Cavite.

Nakumpiska sa kanila ang naturang mga shabu na naka­lagay sa mga pakete ng tsaa kasama na rin ang P800,000 boodle money at dalawang P1,000 marked money na ginamit sa buy-bust.

Alas-11:40 ng gabi nang magkasa ng kanilang buy-bust operation ang Drug Enforcement Group ng Las Piñas City Police sa may C-5 Extension sa Brgy. Manuyo Dos na nag­resulta sa pagkakadakip sa suspek na si Danizon Maneze, 29-anyos.

Nakumpiska naman kay Maneze ang limang malaking knot-tied plastic sachet na naglalaman ng 500 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P3.4 milyon at ang P20,000 boodle money bilang ebidensya.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa mga suspek para mabatid ang pinanggagalingan ng kanilang mga suplay na iligal na droga habang nahaharap sila sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with