Eduardo “Doy” Loteyro
Suspek sa Tondo fire na ikinasawi ng 6 katao, sumuko
Doris Franche, Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Hawak na ngayon ng Manila Fire District (MFD) ang suspek sa panununog ng isang bahay sa panulukan ng Yuseco at Katamanan Sts., Tondo, Maynila, noong nakalipas na Huwebes ng madaling araw.

Ayon kay Arson investigator SFO4 Victor Bag-id, isasailalim sa inquest proceedings sa kasong Arson o paglabag sa Presidential Decree no. 1613  ang suspek na si Eduardo “Doy” Loteyro, sa Manila Prosecutor’s Office.

Ang kaso ay non-bailable offense  na may katapat na parusang habambuhay na pagkabilanggo base sa isinasaad ng PD 1613, “Sec. 5. Where Death Results from Arson. If by reason of or on the occasion of the arson death results, the penalty of Reclusion Perpetua to death shall be imposed”.

Madaling araw nitong Linggo nang puntahan ni Manila Mayor Isko Moreno sa isang bahay sa Sta. Cruz, Maynila ang suspek na si Loteyro kasunod ng ipinadala nitong surrender feeler.

Agad naiturn-over sa Manila Police District-Homicide Section  si Loteyro subali’t ipinadala rin siya sa San Lazaro Manila Fire District Station dahil hindi ito hurisdiksyon ng Philippine National Police kundi ng Bureau of Fire Protection (BFP).

Gayunman, sinabi ni SFO4 Bag-id na ginagawa na nila ang formal request  para kay MPD director P/Brig. General Bernabe Balba na mai­lipat ng custody sa MPD si Loteyro pagkatapos ng inquest proceedings.

Matatandaang alas-2:30 ng mada­ling araw nang magsimula ang apoy ng ikalawang palapag na bahay kung saan  nakatira ang suspek at nadamay ang nasa 20 pang kabahayan. Ikinasawi ito ng mag-iinang sina Odessa Conde, 36  at mga anak na sina Yhancy Kieffer, 8; Yara Courtney, 9; at Yhexel George, 10; pinsan ni Odessa na person with disability na si Jean Paul Esguerra, 42; at isang Aquelina Romero Javana, 44 taong gulang.

 

DOY LOYTERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with