Sa kanyang Capital Report, iniharap ni Manila Mayor Isko Moreno ang suspek na si Mark Niala ng Sampaloc, Maynila. Sasampahan siya ng extortion sa Manila Prosecutors’ Office.
Philstar/File
Kelot huli sa cybersex extortion
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Labis-labis ang pagsisisi ng isang 20-anyos na lalaki na nagpanggap na babae sa internet para makahingi ng pera sa kanyang kliyente sa social media matapos ireklamo ng cybersex extortion.

Sa kanyang Capital Report, iniharap ni Manila Mayor Isko Moreno ang suspek na si Mark Niala ng Sampaloc, Maynila. Sasampahan siya ng extortion sa Manila Prosecutors’ Office.

Inamin ni Niala na gumawa siya ng dummy account at nagpanggap na modelong babae upang makapambiktima kapalit ng hinihinging halaga ng pera na umabot sa P4,000.

Giit ni Niala, napilitan lamang siyang gawin ito dahil na rin sa may sakit ang kanyang ama at kailangan nito ng gamot.

Inutos naman ni Moreno ang pagsundo sa ama ni Niala upang dalhin sa ospital.

Dismayado naman si Moreno sa kanyang narinig dahil linggu-linggo ay bumibili aniya ang pamahalaang lungsod ng gamot at pinabubuti ang  pasilidad ng mga ospital upang walang babayaran ang sinumang pasyente.

Ayon pa sa alkalde, hindi dahilan at sapat na dahilan na dala ng ating kagipitan  upang lokohin ang ibang tao.

CYBERSEX EXTORTION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with