Ang mga nasagip ay kinilalang sina Wei Meize, Pu Sheng Nan, Qin Xiao, Xing Ying, Fan Dan Dan, Li Jing, Ai Ging, Ou Yang Yu Rong, Weng Weng, Xia Dan, at Liu Kelan.
STAR/File
11 Chinese sex workers, nasagip
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 20, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Labing-isang babaeng Chinese nationals ang nasagip ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) na nagtatrabaho sa isang sex den habang nadakip ang isa pang Tsino na hinihinalang isa sa operator sa ikinasang operasyon sa isang hotel sa Parañaque City, kahapon ng madaling araw.

Ang mga nasagip ay kinilalang sina Wei Meize, Pu Sheng Nan, Qin Xiao, Xing Ying, Fan Dan Dan, Li Jing, Ai Ging, Ou Yang Yu Rong, Weng Weng, Xia Dan, at Liu Kelan.

Ang suspek naman na itinuturong operator ng sex den ay kinilalang si Ye Gui Cai, nasa hustong gulang at nanunuluyan sa Go Hotel sa may Quirino Avenue, Brgy. Tambo, ng naturang lungsod.

Sa ulat, ala-1:45 ng madaling araw nang isagawa ng mga tauhan ng SPD-Special Operation Unit, District Intelligence Unit at SPD Women and Childrens Protection Desk kasama ang Para­ñaque City Police-Intelligence Unit ang Go Hotel makaraan na magpositibo ang isinagawang surveillance operation dito na may nagaganap na prostitusyon.

Nabatid na isang walk-in confidential na impormante ang nagpanggap na kostumer at nakadiskubre ng prostitusyon partikular sa ikalima hanggang ikawalong palapag ng hotel na inookupahan ng mga Chinese nationals at pinatatakbo ng suspek na si Ye.

Hindi na nakapalag si Ye nang lusubin ng mga pulis habang nadiskubre ang mga babae na naghihintay ng mga parokyano na mga Chinese nationals din.

Nakaditine ngayon si Ye sa Parañaque City Police Custodial Jail at nahaharap sa kasong Human Trafficking sa Parañaque City Prosecutor’s Office.

CHINESE SEX WORKERS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with