Ayon kay arson investigator SFO3 Edilberto Cruz ng Manila Fire District, sunog na sunog ang mga narekober na bangkay na kinabibilangan ng kanyang pamangkin na si Odessa Conde, 36; mga anak nito na sina Yhancy Kieffer, 8; Yara Courtney, 9; at Yhexel George, 10; pinsan ni Odessa na si Jean Paul Esguerra, 42; at isang Aquelina Romero Javana, 44, pawang residente ng Yuseco St., Tondo.
Philstar.com/File
Sunog sa Maynila: 6 patay
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Anim katao ang nasawi kabilang ang mag-iina  sa sunog na sumiklab sa residential area  sa Tondo, Maynila na gawa ng isang adik sa lugar, kahapon ng madaling araw.

Ayon kay arson investigator SFO3 Edilberto Cruz  ng Manila Fire District, sunog na sunog ang mga narekober na bangkay na kinabibilangan ng kanyang pamangkin na si Odessa Conde, 36; mga anak nito  na sina Yhancy Kieffer, 8; Yara Courtney, 9; at Yhexel George, 10; pinsan ni Odessa na si Jean Paul Esguerra, 42; at isang Aquelina Romero Javana, 44, pawang residente ng Yuseco St., Tondo.

Anim din ang nasugatan kabilang ang mister ni  Odessa na si George, 43, na nagtamo ng second degree burns.

Nabatid na dakong alas- 2:30 ng madaling araw nang magsimula ang sunog sa ikalawang palapag ng bahay ng isang Evangeline Loteyro sa Katamanan St. at mabilis na kumalat sa may 20 kabahayang magkakadikit.

Hindi na nakalabas ng bahay ang mag-iina na sinasabing na-trap nang mabagsakan ng kisame at ang kaanak na PWD na si Esguerra na kasama ring sa nasabing bahay.

 “Nagising naman ang pamangkin (Odessa) ko at ginising ang mga anak niya nung nagkakasunog,” ani SFO3 Cruz.

Huling nadiskubre ang bangkay ni Javana na nasa loob ng banyo alas-8:54 na ng umaga.

Isang Eduardo Loteyro, alyas Doy na anak umano ni Evangeline Loteyro ang suspek sa panununog.

 Isa umanong drug addict si Eduardo na madalas na umanong magsunog ng kahit anong bagay.

 “Base dun sa sinabi ng barangay chairman nila, nagbuhos ng gas sa kuwarto niya sa second floor si Doy kaya nagkasunog,” ani SFO3 Cruz.

 Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog bago tuluyang naideklarang under control dakong alas-3:52 ng madaling araw, at tuluyang naapula dakong alas-7:14 ng umaga.

 

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with