Sorpresang nagsagawa nang paggalugad ang mga tauhan ng BuCor sa mga selda sa Reception and Diagnostic Center sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City kung saan nakumpiska ang mga kontrabando at shabu.
Kuha ni Miguel De Guzman
Bilibid nalulusutan pa rin ng ilegal na droga
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patuloy pa rin na nakakapasok sa loob ng New Bilibid Prisons (NBP) sa Muntinlupa City ang mga ilegal na droga makaraang makasabat ang mga tauhan ng Bureau of Corrections (BuCor) ng isang plastic sachet at ilang kontrabando dito, kahapon.

Sinabi ni BuCor Director General Gerald Bantag na alas-5 ng madaling araw nang ipag-utos niya ang sorpresang paggalugad sa Reception and Diagnostic Center ng NBP.

Dito nakakumpiska ang mga tauhan ng BuCor ang P80,000 cash, isang cellular phone, baraha, USB cable wire, mga improvised na patalim at isang plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu.

Dahil sa nadiskubre, sinabi ni Bantag na nakalulusot pa rin sa kanilang mga guwardiya ang ilegal na droga sa kabila ng mahigpit na pagbabantay sa mga pumapasok at lumalabas na mga dalaw.

Bunsod nito, ikakasa ni Bantag ang imbestigasyon ukol sa mga nasabat na mga kontrabando kung sino ang nagtatangkang magpasok ng mga ito habang pinag-aaralan ang iba pang paraan ng paghihigpit sa bilangguan.

NEW BILIBID PRISON
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with