Kahapon, sa pinalabas na 133 pahinang ng QC Court branch 97 dapat umanong bayaran ng QC govt ang mga naulila ng 59 na biktima nang pagguho ng bundok na basura sa Payatas ng tig- P110,000 bawat isa bilang danyos o P50,000 temperate damages, P50,000 moral damages at P10,000 exemplary damages at dagdag na P100,000 bilang attorney’s fees.
Joy Belmonte PB Page
Payatas tragedy victims, babayaran ng Quezon City government – Mayor Joy
Angie dela Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Babayaran ng Quezon City government ang mga naging biktima ng Payatas tragedy may 20-taon na ang nakararaan.

Ito ang reaksyon ni QC Mayor Joy Belmonte sa ipinalabas na desisyon kahapon ni Acting Presiding Judge Marilou Runes-Tamang ng QC  Regional Trial Court 97 na nag-uutos sa lokal na pamahalaan na bayaran ng P6 milyon halaga ang mga biktima ng naturang trahedya.

“Nirerespeto natin ang desisyon ng korte, 20 years na ‘yan at nangyari wala pa ako sa puwesto.Matagal na nilang hinihintay ‘yan kaya marapat lamang na bigyan ng justice at ang nangyari sa kanila”, pahayag ni Belmonte.

Anya responsibilidad ng lokal na pamahalaan na ala­gaan ang kapakanan ng kanyang mamamayan kaya’t dapat lamang ang mga itong makatanggap ng ayuda mula sa city government.

Kahapon, sa pinalabas na  133 pahinang ng QC Court branch 97 dapat umanong bayaran ng QC govt ang mga naulila ng 59 na biktima nang pagguho ng bundok na basura sa Payatas ng tig- P110,000 bawat isa bilang danyos o P50,000 temperate damages, P50,000 moral damages at P10,000  exemplary damages at dagdag na P100,000 bilang attorney’s fees.

Wala namang actual damages na nai-award sa kaso dahilan sa walang nakitang ebedensiya na may nasunog na property bago ang trahedya at wala ring naipakitang funeral expenses para sa mga biktima.

 

PAYATAS VICTIM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with