Nakilala ang nasawi na si Michael Padlan, 42, ng EVS Subdivision, Brgy. CAA/BF Intl., ng naturang lungsod.
STAR/File
Trader bulagta sa rider
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Patay ang isang negos­yante nang pagbabarilin ng isang rider sa Las Piñas City, kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang nasawi na si Michael Padlan, 42, ng EVS Subdivision, Brgy. CAA/BF Intl., ng naturang lungsod.

Sa ulat ng Las Piñas City Police, naganap ang krimen dakong alas-5:30 ng hapon sa may Palace Street, Southland, Brgy. CAA/BF Intl kung saan minamaneho ni Padlan ang kanyang kulay gray na BMW X5.

Dinikitan ang biktima ng isang itim na motorsiklo saka siya pinagbabaril ng sakay nito na nakasuot ng panyo bilang maskara sa mukha.  Agad na humarurot sa pagtakas ang salarin habang dinala ng kanyang misis ang biktima sa University of Perpetual Help Hospital ngunit hindi na ito umabot ng buhay.

Patuloy ang masusing imbestigasyon ng pulisya sa insidente para mabatid ang motibo sa krimen.

 

TRADER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with