P17 milyong shabu nasabat sa 2 ‘tulak’
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - January 17, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dalawang bigtime na ‘tulak’ ng droga ang nadakip ng mga anti-drug operatives ng Las Piñas City Police kung saan nakumpiskahan ang mga ito ng nasa  P17 milyong halaga ng shabu sa ikinasang operasyon sa loob ng isang subdibisyon sa naturang lungsod kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Las Piñas City Police chief, Col. Segundo Lagundi Jr. ang mga nadakip na sina Jerrymias Suson at Miguel Castillo, kapwa residente ng Sta. Mesa, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, alas-7 ng gabi nang ikasa ang buy-bust operation sa may Verdant Acres Avenue sa loob ng Verdant Acres Subdivision sa Brgy. Pamplona Tres.  Ito ay makaraang magawang makipagkasundo ng mga pulis sa mga suspek na bibili ng droga.

Matagumpay na nakabili ng ilegal na droga ang nagpanggap na buyer ng mga pulis nang hindi namamalayan ng mga suspek ang mga nakaposisyong mga alagad ng batas.  Nang maisakatuparan ang bentahan, dito na nagbigay ng hudyat ang buyer kaya lumantad na ang mga armadong pulis at kinorner ang mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang ang tatlong malala­king ‘heat-sealed plastic bag’ na ibinalot sa pabalat ng kendi na naglalaman ng nasa 2.5 kilo ng hinihinalang shabu at may katumbas na halagang P17 milyon. 

 

SHABU
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with