P28.4 milyon lotto grand prize, nasungkit ng taga-Mandaluyong
Ayon kay Royina Garma, general manager ng PCSOA, nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 16-17-05-30-29-21, kaya’t nagwagi ng jackpot prize na P28,481,693.80.
Geremy Pintolo/File
P28.4 milyon lotto grand prize, nasungkit ng taga-Mandaluyong
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 13, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang masuwerteng bettor mula sa Mandaluyong City ang pinalad na maging bagong milyonaryo sa Regular Lotto 6/42 ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Royina Garma, general manager ng PCSOA, nahulaan ng lucky bettor ang winning combination na 16-17-05-30-29-21, kaya’t nagwagi ng jackpot prize na P28,481,693.80.

Nabatid na bukod sa naturang masuwerteng mananaya, may 28 bettors din ang nagwagi ng consolation prize na P25,000 bawat isa matapos na tamaan ang limang tamang numero mula sa six-digit winning combination. Noong Miyerkules, matatandaang isang masuwerteng bettor din mula sa Laguna naman ang nagwagi ng mahigit P80.7 milyon sa Grand Lotto 6/55.  Ang 6/42 Regular Lotto ay nira-raffle ng PCSO  tuwing Martes, Huwebes at Sabado.

PCSO ROYINA GARMA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with