^

Metro

Granada ng sundalong mister, pinasabog ni misis

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

Sa loob ng Camp Aguinaldo

MANILA, Philippines — Pinasabog umano ng isang misis ang granada ng kanyang sundalong mister makaraang magkaroon ng pagtatalo na nagresulta sa kanilang pagkakasugat kabilang ang isa sa dalawa nilang anak, naganap kahapon ng umaga sa loob ng Camp Aguinaldo, Quezon City.

Sa inilabas na pahayag ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Brig. Gen. Edgard Arevalo, dakong alas-6:20 ng umaga nang maganap ang pagsa­bog sa loob ng apartment unit na inuukupahan ni Staff. Sargeant Larry de Guzman sa loob ng compound ng military headquarters.

Lumalabas sa imbestigas­yon na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mag-asawa bago naganap ang pagsabog ng granada.

Bukod kay De Guzman, sugatan din ang kanyang misis at 11-anyos na anak dahil sa mga tinamong shrapnel habang mapalad namang hindi nasaktan ang 5 taong gulang nilang anak.  Patuloy na ginagamot ang mag-ina sa V. Luna Hospital.

Papaalis umano ng bahay si De Guzman nang maganap ang pagsabog.

Nagsagawa na ng malalim na imbestigasyon ang AFP at Philippine National Police (PNP) matapos na madiskubre na ang asawa ni De Guzman ang na­ging sanhi ng pagsabog ng granada.

AFP

EDGARD AREVALO

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with