Ayon sa Meralco, kabilang sa mga pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente ay ang Parañaque City, Caloocan City, at lungsod ng Maynila.
KrizJohn Rosales
Power interruption sa ilang bahagi ng Metro Manila, ipapatupad
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 12, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Iniulat ng pamunuan ng Manila Electric Company (Meralco) na mawawalan ng suplay ng kuryente sa ­ilang bahagi ng Metro Manila ngayong linggo bunsod ng isinasagawang maintenance works.

Ayon sa Meralco, kabilang sa mga pansamantalang mawawalan ng suplay ng kuryente ay ang Parañaque City, Caloocan City, at lungsod ng Maynila.

Sa Parañaque City, inaasahang maapektuhan ang BF Homes at mawawalan ng suplay ng kuryente sa pagitan ng alas-11:30 ng gabi ng Ene­ro 14 hanggang alas-4:30 ng madaling araw Enero 15 dahil sa replacement ng mga poste at line reconstruction works sa Tropical Avenue sa Barangay BF Homes.

Sa Caloocan City naman, inaasahang maaapektuhan ang ilang bahagi ng Barangays Maypajo at Sampalukan, sa pagitan ng alas-11:00 ng gabi ng Enero 15 hanggang alas-4:00 ng madaling araw ng Enero 16 at sa pagitan naman ng alas-3:00 ng madaling araw at alas-4:00 ng madaling araw ng Enero 16 sa Barangays Poblacion at Sampalukan dahil sa relokasyon ng mga pasilidad at line reconductoring works sa C-3 Road sa Barangay Sampalukan.

Samantala, sa Maynila, inaasahang makakaranas ng power interruption ang bahagi ng Tondo sa pagitan ng alas-8:30 ng umaga at alas-2:30 ng hapon ng Enero 18 dahil sa line maintenance works sa Philippine National Railways (PNR) Railroad Track malapit sa Yuseco Street at Dagupan Street Extension sa Tondo.

Kaagad namang humingi ng paumanhin ang Meralco sa kanilang mga kostumer dahil sa abalang dulot sa kanila ng kanilang mga pagkukumpuni.

Paliwanag ng Meralco, ang kanilang ginagawa ay para rin naman sa higit pang ikahuhusay ng ipinagkakaloob nilang serbisyo sa kanilang mga

MERALCO PHILIPPINE NATIONAL RAILWAYS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with