MIAA handa sa inaasahang repatriation
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Inihayag ni MIAA general manager Ed Monreal, na ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay handa na upang mag-host sa inaasahang repatriation ng Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Gitnang Silangan sa anumang plano ng pamahalaan kaya naman handa silang tumulong dito.

Pinag-iisipan ng gobyerno kung iuuwi ang mga kababayan natin sa Middle East   o ilipat sila sa alinman lugar na ligtas ang mga ito sa labas ng Iraq.

“Kami ay susuporta sa mga pagsisikap ng pamahalaan sa pinakamahusay na aming makakaya. Maglalaan kami ng mga holding areas para sa mga uuwing  OFWs at  maasikaso at bigyan ng briefings. Kami ay handa na upang i-deploy ang aming mga medical team sa mga holding areas para sa mga taong maaaring nangangailangan  ng medikal na tulong sa pagdating nila bukod dito, ipapamahagi namin ang Malasakit kits sa ating mga OFW, “sabi ni Monreal.

Ang Manila International Airport Authority (MIAA) ay bahagi ng inter-agency team sa repatriation at kasama sa nakaraang mass repatriations ng gobyerno noong mga nakaraan mga taon. 

Sabi ni Monreal, kaagapay nila ang  Department of Labor and Employment, Department of Foreign Affairs, Overseas Workers Welfare Administration, at ang Office of the Special Envoy to the Middle East.

 

MIAA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with