Natitira pang ‘ninja cops’ tukoy na ng DILG
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - January 10, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Tukoy na ng Department of Interior and Local Govern­ment (DILG) ang mga natitira pang ‘ninja cops’ sa hanay ng Philippine National Police (PNP)

Ayon kay DILG Sec. Eduar­do Año,  kasalukuyan na nilang minomonitor ang kilos at galaw ng mga ‘ninja cops’ at kumuhuha ng sapat na ebidensiya para sampahan ng kaukulang demanda.

Ani Año, may hawak na siyang listahan ng mga ‘ninja cops’ na bina-validate ngayon ng kanyang tanggapan.

Tiniyak ng Kalihim  na patatalsikin nila sa tungkulin, kakasuhan at ipapakulong ang sinumang mapatunayang ‘ninja cops’ sa hanay ng pambansang pulisya.

Ang mga pahayag ni Sec. Año ay bilang tugon sa lumabas sa huling survey ng Social Weather Stations (SWS) na majority sa mga Filipino o 78 porsyento ang nagsasabing naniniwala  sila na marami pang ‘ninja cops’ na hanggang sa nga­yon ay namamayagpag pa.

“Malinaw pa kasi sa isipan ng publiko dahil sa nakaraang imbestigasyon sa Senado kaya ‘yan ang naging resulta sa SWS survey” ani Año.

 

NINJA COPS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with