Maging ang airport ay dinagsa rin ng nagbabalikan at pauwing pasahero.
Rudy Santos
NAIA umalerto sa ‘misteryosong sakit’
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nagpalabas ng kautusan si MIAA general manager Ed Monreal, sa kanyang medical staff at sa mga tauhan ng Human Quarantine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), para imonitor ang lahat ng pasaherong galing China, Macau at Hongkong na maaaring magpasok sa bansa ng tinatawag na’ mysterious illness,’

Ayon kay Monreal, wala pang makapagsabi kung anong uri ng sakit ang sinasabing ‘mysterious illness,’ na umano’y maaaring makahawa sa mga taong nasa paligid ng may dalang sakit.

“Hindi pa namin kumpirmado kung anong uri ng sakit mayroon ngayon sa China kaya naman ang mga awtoridad nila sa airport ay mahigpit ang ginagawang pagbabantay sa may dalang sakit na ito,” sabi ni Monreal.

Sinabi ni Monreal, na 24/7  niyang pinamomonitor sa kanyang mga medical staffs ang lahat na pasahero mula sa nabanggit na mga lugar.

Pinapayuhan din ang mga empleyado sa NAIA partikular sa arrival area na magsuot ng mga medical mask bilang proteksyon.

NAIA VIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with