^
2 BIFF nasakote sa Maynila, mga sangkap sa âbombaâ nasamsam
Sa naantalang ulat, dakong alas-3:15 ng hapon noong Linggo nang maaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office-Regional Special Ope­ration Unit (NCRPO-RSOU) sa mga suspek na si Remedios Villojan Habin, 52 at Alvin Gadin, 32 , dri­ver, residente ng Duhat St., Daimar Homes Manuel IV, Pamplona, Las Piñas.
Philstar.com/John Unson

2 BIFF nasakote sa Maynila, mga sangkap sa ‘bomba’ nasamsam

Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ang dalawang hinihinalang miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kung saan nakuhanan ang mga ito ng mga sangkap sa paggawa ng Improvised Explosive Device (IED) habang sakay ng isang kulay brown na Toyota Fortuner, sa United Nations Avenue, Paco, Ermita, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Sa naantalang ulat, dakong alas-3:15 ng hapon noong Linggo nang maaresto ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office-Regional Special Ope­ration Unit (NCRPO-RSOU) sa  mga suspek na si Remedios Villojan Habin, 52  at Alvin Gadin, 32 , dri­ver, residente ng Duhat St., Daimar Homes Manuel IV, Pamplona, Las Piñas.

Sa inisyal na ulat ng Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) nakatanggap ang MPD-Station 5 ang tawag hinggil sa shooting incident sa nasabing lugar.

Nang puntahan ay ina­butan sa crime scene ang isang Toyota Fortuner na light brown,  na-flat na ang mga gulong na sinasabing pinagbabaril ng mga ope­ratiba ng RSOU upang hindi na makatakbo habang nakakordon ang area ay rumesponde naman ang Explosive Ordnance Division (EOD) ng MPD dahil sa nakitang mga pampasabog sa loob ng sasakyan.

Inaresto umano ang dalawa at dinala sa RSOU office, at ibinalik sa MPD para sa pagsasampa ng kasong illegal possession of explosives.

Gayunman, sinabi ni P/Lt. Colonel  Carlo Magno Manuel na hindi naman masasabing threat sa paparating na Traslacion ang nasabing insidente.

Ayon sa impormasyon, ang cellphone number ng driver na nakumpiska ay konektado sa mga suspek sa Marawi Seige.

May impormasyon umano ang RSOU na pinamunuan ni P/Capt. Jonathan Mostoles na ang dalawa ay kapwa may kinalaman sa serye ng terorismo.

IMPROVISED EXPLOSIVE DEVICE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with