Ito ang idineklara kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno na naglalayon umano na bigyan ng pagkakataon ang mga deboto ng Itim na Nazareno na makiisa sa pagdiriwang nito.
The STAR/Edd Gumban
Pasok sa eskwela, government offices sa Maynila, suspendido sa Enero 9
Doris Franche-Borja (Pilipino Star Ngayon) - January 7, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Suspendido o walang pasok sa mga paaralan, uniber­sidad at kolehiyo at maging sa city offices sa Huwebes (Enero 9) sa Maynila.

Ito ang idineklara kahapon ni Manila Mayor Isko Moreno na naglalayon umano na bigyan ng pagkakataon ang mga deboto ng Itim na Nazareno na makiisa sa pagdiriwang nito.

Ayon kay Moreno, iniiwas din nila ang mga commuter sa kawalan ng masasakyan kung saan ipinatutupad ang rerouting.

Payo ni Moreno sa motorista, laging tignan ang update advisory maging ang mga rerouting upang hindi maabala sa daloy ng trapiko.

Gayunman, hindi naman sakop sa kautusan ang mga sangay ng pamahalaang lungsod na nagpapatupad ng peace and order, public services,  traffic enforcement, disaster risk reduction and management gayundin ang sanitation.

Ipapaubaya naman ni Moreno sa mga pamunuan o office heads ang pagsuspinde sa mga pasok o opisina ng mga pribadong kompanya at  national government offices.

WALANG PASOK
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with