^
African national kalaboso sa panghihipo
Himas-rehas ngayon ang banyagang si Johnson Nimel, binata, isang inhinyero na inireklamo ng biktimang si Reynalyn Rivera, 22, nakatira sa No. 191 JP Rizal Avenue, ng naturang lugar.
File

African national kalaboso sa panghihipo

Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 31, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Arestado ang isang African national matapos ireklamo ng isang dalaga ng panghihipo sa kanya habang naliligo sa harapan ng kanyang tahanan kahapon ng madaling araw sa Brgy. Tejeros, Makati City.

Himas-rehas ngayon ang banyagang si Johnson Nimel, binata, isang inhinyero na inireklamo ng biktimang si Reynalyn Rivera, 22, nakatira sa No. 191 JP Rizal Avenue, ng naturang lugar.

Sa ulat ng Makati City Police, naliligo sa harap ng kanyang bahay si Rivera dakong ala-1:30 ng madaling araw nang mapadaan sa lugar ang dayuhang si Nimel at makita ang dalaga.

Nang hindi makapagpigil sa kanyang nakikitang eksena, pinuntahan ng dayuhan si Rivera at buhat sa likuran ay hinawakan ang kanyang kaselanan.

Nagsisigaw at nagpapalag ang biktima dahil sa pagka­bigla dahil sa akalang walang nakakakita sa kanya. Agad na pumasok siya sa loob ng kanyang bahay, nagbihis at humingi ng saklolo sa mga barangay tanod na nagresulta sa pagkakadakip kay Nimel.

Nahaharap ngayon si Nimel sa kasong Acts of Lasciviousness sa Makati City Prosecutor’s Office.

PANGHIHIPO SEXUAL ABUSE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with