Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Ronnie Montejo ang nasakoteng mag-asawa na sina Rex Duldulao, alyas Buboy at Jennifer Duldulao, alyas Jen.
STAR/ File
Mag-asawang ‘tulak’,2 pa timbog sa buy-bust
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 29, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang  mag-asawang ‘ tulak’ ng droga at dalawa pang  kasabwat sa isinagawang buy-bust operation sa Novaliches, Quezon City Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Ronnie Montejo ang nasakoteng mag-asawa na sina Rex Duldulao, alyas Buboy at Jennifer Duldulao, alyas Jen.

Arestado rin ang mga kasamahan ng mga itong sina Mark Joseph Pajarin, alyas Macky, 21 anyos at RJay Agustin, 26.

Bandang alas-4:30 ng hapon nang masakote ng mga elemento ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng PS 4  sa ilalim  ng pamumuno ni P/Lt Col. Rossel Cejas ang mag-asawang Duldulao sa isinagawang buy-bust operation sa Room 402 Radugo Apartment  na matatagpuan sa Domingo St., Dantes 2, Brgy. Nagkaisang Nayon, Novaliches.

Nakumpiska sa operasyon ang 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000.,  isang digital weighing scale, tatlong cellular phones at nabawi rin ang buy-bust money.

Nabatid na ang mag-asawang Duldulao ay may dati nang kasong may kinalaman sa droga.

QCPD REX DULDULAO RONNIE MONTEJO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with