Korean national dawit sa cyber fraud, timbog sa NAIA
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - December 27, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Immigration sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA ) ang isang Korean fugitive na wanted sa Seoul dahil sa pagkakasangkot sa cyber fraud.

Sa ulat na ipinadala ni BI port operations division chief Griftohn Medina kay Immigration Commissioner Jaime Morente nakilala ang nadakip na si Yun Kyungmin, 36, na nasabat kama­kailan sa  NAIA Terminal 2.

Nabatid na nakatakdang magtungo si Yun  pa-Hong Kong nang arestuhin ng mga tauhan ng immigration matapos na  makita ang kanyang pangalan sa Interpol’s database ng mga wanted na foreign fugitives.

Napag-alaman na si Yun ay subject ng red notice na inisyu ng Interpol noong Disyembre ng nakalipas na taon.

Kinansela ng kanyang bansa ang kanyang passport at inisyuhan ito ng warrant of arrest ng district court ng Daejeon, South Korea.

Si Yun ay inaakusahang  nag-ooperate ng illegal call center sa Dalian, China na sangkot sa voice phishing activities.

Ayon sa Korean prose­cutors sinasabing mula 2016 hanggang 2018, may 42 ng naging biktima si Yun at mga kasabwat nito.

Kung pagsasama-samahin ang nakulimbat na pera sa mga biktima ay tinata­yang aabot ito sa 2.2 billion won o nasa US$ 2 milyon.

 

KOREAN NATIONAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with