Holiday greetings na may ‘pahiwatig’, ibinabala sa airport employees
Butch Quejada (Pilipino Star Ngayon) - December 24, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binalaan ng pamunuan ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang lahat ng empleyado ng mga ahensiya sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na bawal bumati ng ‘holiday greetings ‘na tila mayroong ipinahihiwatig sa mga pasahero ngayong Kapaskuhan.

Sinabi ni  MIAA general manager Ed Monreal, makasisira sa imahe ng mga Pinas ang ginagawa ng ibang emple­yado ng NAIA na bumati sa mga pasahero ng may ‘ibig ipahiwatig’ dahil para na rin silang nanghihingi lalo na kung balikbayan o banyaga ang kanilang babatiin.

“Greetings is not bad, but extorting money from the passengers is absolutely wrong, not proper. Kaya ang sino mang mahuhu­ling empleyado ng airport na nanghihingi ng Pamas­ko sa mga dumarating na mga pasahero galing abroad ngayong Kapaskuhan ay tiyak na mapaparusahan,” sabi ni Monreal.

Ayon kay Monreal,  ayaw na nitong maulit ang nangyari noong mga nakalipas na taon na marami silang reklamong natanggap mula sa mga pasahero na hinihingan sila ng pera nang ilang pasaway na airport employees na bumabati sa kanila ng ‘Christmas greetings’ habang nasa airport arrival area.

MANILA INTERNATIONAL AIRPORT AUTHORITY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with