^

Metro

81-anyos lolo dedo sa motorsiklo

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
81-anyos lolo dedo sa motorsiklo
Namatay habang ginagamot sa Rizal Medical Center ang biktimang si Osias Ombao, dahil sa pinsalang tinamo sa ulo at katawan habang sugatan din ang rider na nakilalang si Bryan Pimentel, matapos na sumemplang ang kanyang minamanehong motorsiklo.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng Pasko ang isang 81-anyos na lolo matapos salpukin ng isang motorsiklo habang tumatawid ng kalsada sa Pasig City, kamakalawa ng madaling araw.

Namatay habang ginagamot sa Rizal Medical Center ang biktimang si Osias Ombao, dahil sa pinsalang tinamo sa ulo at katawan habang sugatan din ang rider na nakilalang si Bryan Pimentel, matapos na sumemplang ang kanyang minamanehong motorsiklo.

Batay sa ulat ng Pasig City Police, dakong alas-5:30 ng madaling araw nang maganap ang aksidente sa C. Raymundo Ave­nue, kanto ng Villa Upeng, sa Brgy. Caniogan.

Nauna rito, tumatawid umano ang biktima sa lugar nang bigla na lang mabangga ng motorsiklo na nagresulta sa malubhang pagkasugat nito.

Sumemplang din naman ang motorsiklo at nasugatan si Pimentel.

Kapwa isinugod sa Rizal Medical Center ang dalawa ngunit minalas na mamatay rin si Ombao.

Ang suspek ay sasampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide sa piskalya.

vuukle comment

OSIAS OMBAO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with