Kasabay naman nito nanawagan ng tulong ang 200 pamilya na naapektuhan ng sunog.
STAR/ File
Paslit patay, 1 pa sugatan 200 pamilya naapektuhan
Danilo Garcia (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

Taguig fire

MANILA, Philippines — Isang 3-anyos na batang babae ang nasawi ,habang nasa 200  pamilya ang nawalan ng tahanan sa malaking sunog na sumiklab sa  Taguig City, kahapon ng madaling araw.

Nakilala ang nasawing paslit na si Precious Clarisa Pracarey,  habang nasugatan naman ang 9-taong gulang na si John Rey Vendevil.

Kasabay naman nito nanawagan ng tulong ang 200 pamilya na naapektuhan ng sunog.

Sa ulat ng Bureau of Fire Protection-Taguig City, dakong alas-8:26 ng umaga nang sumiklab ang apoy sa isang bahay sa Maestrang Pinang Street, Purok Pulang Araw sa Brgy. Lingid Tipas na pag-aari ng isang Norie Maglanoc at kanyang pamilya.

Umakyat sa ikatlong alarma ang sunog dakong alas-8:51 ng umaga at nagawang maapula ng mga bumbero dakong alas-9:39 ng umaga o higit isang oras na pakikipaglaban sa apoy.

Kumalat ang apoy sa mga kabahayan na pawang gawa sa light materials.  Aabot sa 100 bahay ang tuluyang natupok na may halagang P350,000 base sa pagtataya ng BFP at higit sa 200 pamilya ang naapektuhan.

Kasalukuyang nagsisiksikan ang mga pamilyang biktima sa Lingid Tipas covered court at humihingi ng tulong sa lokal at nasyunal na pamahalaan para sa kanilang pangangailangan.

LINGID TIPAS PRECIOUS CLARISA PRACAREY TAGUIG FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with