Sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr)-MRT3, nabatid na magkaiba ang mga oras ng first trip at last trip ng kanilang mga tren mula sa kanilang ruta na North Avenue Station sa Quezon City at sa Taft Avenue, Pasay City.
STAR/ File
Holiday schedule ng MRT-3, inilabas
Mer Layson (Pilipino Star Ngayon) - December 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Inilabas na ng pamunaun ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) ang kanilang holiday schedule at pagpapatupad ng adjusted operating hours para ngayong panahon ng Kapaskuhan, na inaasahang magtatagal hanggang sa Enero 3, 2020.

Sa inisyung advisory ng Department of Transportation (DOTr)-MRT3, nabatid na magkaiba ang mga oras ng first trip at last trip ng kanilang mga tren mula sa kanilang ruta na North Avenue Station sa Quezon City at sa Taft Avenue, Pasay City.

Sa December 16 to 20, 23, 26 at 27, nabatid na ang biyahe mula sa North Avenue Station ay 4:40am para sa first trip at 9:10pm naman para sa last trip, habang mula sa Taft Avenue naman ang first train ay bibiyahe ng 5:41am habang ang last train ay aalis ng istasyon ng 10:11pm.

Sa mga petsa naman ng December 21, 22, 28, 29 at 30, ang first train mula sa North Avenue Station ay aalis ng 4:40am habang ang last trip ay 9:10pm samantalang 5:37am naman bibiyahe ang first train mula sa Taft Avenue Station at ang last train naman ay 10:11pm lalarga.

Sa December 24 at 31 naman ang biyahe sa North Ave­nue Station ay 4:40am para sa first trip at 7:45pm naman para sa last trip, habang sa Taft Avenue Station naka-iskedyul ang bumiyahe ang first train ng 5:37am at ang last train naman ay 8:42 pm.

Sa December 25, Araw ng Pasko, at January 1, Bagong Taon, ang first trip mula sa North Avenue Stationa ay 6:30am habang ang last trip ay 9:10pm habang sa Taft Ave­nue Station ang first train ay bibiyahe ng 6:30am habang ang last train ay 10:11pm.

Sa January 2 at 3 naman, ang unang biyahe mula sa North Avenue Station ay 4:40am habang ang huling biyahe ay 9:10pm, habang ang first train ay 5:41am at 10:11pm naman ang last trip mula sa Taft Avenue Station.

DOTR MRT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with