Kinilala ang nasawi na si Ruel Camero, nangungupahan sa ikalawang palapag ng apartment sa Espiritu St., Brgy. 751, Zone 81, San Andres Bukid, Malate.
STAR File
Mister sinunog ang bahay, patay
Ludy Bermudo (Pilipino Star Ngayon) - December 14, 2019 - 12:00am

Matapos saksakin ang misis

MANILA, Philippines — Patay matapos ma-suffocate ang isang 50-anyos na mister makaraang sunugin ang kanilang bahay matapos namang saksakin ang kinakasama sa Malate, Maynila, kahapon ng uma­ga.

Kinilala ang nasawi na si Ruel Camero, nangungupahan sa ikalawang palapag  ng apartment sa Espiritu St., Brgy. 751, Zone 81, San Andres Bukid, Malate.

Nilalapatan naman ng lunas sa Ospital ng Maynila (OSMA) ang kinakasama nitong si Anina Rose Tejas, 30, residente rin sa nasabing address.

Sa ulat ng Manila Fire Bureau, dakong alas -10:30 ng umaga nang magsimula ang sunog sa bahay ng biktima na naapula din kaagad alas-11:31 ng umaga.

Matapos ang sunog ay natagpuan na ang biktimang patay sa loob ng comfort room, ayon kay P/Executive Master Sergeant Donald Panaligan, ng Manila Police District-Homicide Section,  na sinasabing dahil sa suffocation.

Isang Elmer Muran, barangay kagawad, ang nagsabi na bago magkasunog, nakitang duguang luma­bas ng kanilang bahay ang kinakasama ni Came­ron na si Tejas.

Humingi si Tejas ng saklolo sa mga kapitbahay para dalhin siya sa pagamutan dahil sa mga tinamong saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Pinaniniwalaang selos ang ugat ng pag-aaway ng maglive-in partner dahil sanay na ang mga kapitbahay ang selosan at awayan ng dalawa.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng homicide at Manila Fire Bureau sa insidente.

ANINA ROSE TEJAS OSPITAL NG MAYNILA RUEL CAMERO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with