^

Metro

P10 milyong halaga ng karne mula China, nasabat sa Maynila

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
P10 milyong halaga ng karne mula China, nasabat sa Maynila
Kasabay naman nito, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na walang ibebentang smuggled na frozen meat at hotdog sa mga palengke at ihahain sa hapag kainan ng mga Manilenyo ngayong Kapaskuhan.
The STAR/ File


MANILA, Philippines — Nasa P10 milyong halaga ng mga frozen meat buhat China ang nasabat kama­kalawa sa Maynila.

Kasabay naman nito, tiniyak ni Manila Mayor Isko Moreno na walang ibebentang smuggled na frozen meat at hotdog  sa mga  palengke at ihahain sa hapag kainan ng mga Manilenyo ngayong Kapaskuhan.

Ang paniniyak ay ginawa ni Moreno kasunod nga sa pagkakasabat ng  mga tauhan ng Veterinary Inspection Board sa 10.3 toneladang  frozen meat sa Balut, Tondo, Maynila.

Nabatid na nakatanggap ng tip ang VIB na may mga hot meat na ibabagsak sa  Honorio Lopez St. kaya’t mabilis na humingi ng ayuda sa Special Mayor’s Reaction Team (SMaRT) at isinagawa ang operasyon.

Bumungad sa mga tauhan ng VIB at SMaRT ang mga peking duck, frozen meat, hotdogs at sausage na nagkakahalaga ng P10 milyon.

Hindi naman nadakip ang sinasabing may-ari ng mga hot meat na si Daniel Yulo ng  Balut, Tondo.

Pinakakasuhan din ni Moreno si Yulo ng paglabag sa RA 10536 o Meat Inspection Code.

Samantala,  sinabi naman ni  Assistant Customs Commissiober Jet Maronilla sa pulong sa National Press Club  na nagsasagawa ng back tracking para sa pinagmulan ng mga smuggled goods.

Isa  sa inaalam ng BOC ay ang pinagmulang port nito at kung nakalusot ba sa x-ray.

Paliwanag ni Maronilla, mismong sila ay nagtataka kung paano nakakalusot ang nasabing mga frozen pro­ducts gayong dalawa sila ng Department of Agriculture ang nagsusuri sa mga katulad na kargamento.

vuukle comment

FROZEN MEAT

ISKO MORENO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with