Prinisinta nina P/Lt. Col. Jowell Saliba at P/Lt. Col. Villaflor Bannawagan ang dalawang nadakip na Chinese na dawit sa ‘loan shark’ activity sa isinagawang operasyon sa Parañaque.
Kuha ni Michael Varcas
Dinukot na Chinese nasagip, 2 kababayan timbog
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - December 13, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasagip ng mga elemento ng PNP Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang isang   Chinese na dinukot ng kanyang mga kababayan sa isinagawang operasyon sa Parañaque City, kamakalawa.

Kinilala  ni P/Col. Villaflor Bannawagan, Chief ng PNP-AKG Luzon Field Unit ang  nasagip na biktima na si Wang Hong, alyas Lee, 26, turista, tubong Chongqing, China at residente ng Ongpin, Binondo, Manila.

Arestado naman ang mga suspect na sina Wang Renhong, 32,   at Wan Liang, 36.

Sinabi ng opisyal na ang rescue operation ay isinagawa  kamakalawa sa Baymont Hotel, Parañaque City base sa reklamo ni Lin Wei, kaibigan ng biktima.

 Sa pahayag ng biktima, Disyembre 4, 2019 ay nagtungo  sila sa isang resort casino sa lungsod at naglaro pero natalo kung saan ay nilapitan sila ng grupo ng mga kalala­kihang Chinese na nag-alok na pauutangin ito ng P1 mil­yon na kaniyang tinanggap at inilaro pero mu­ling natalo.

Ayon sa biktima sa nasabing araw ay binayaran niya ang kaniyang utang sa mga suspect sa pamamagitan ng WECHAT kung saan ay muli itong pinautang ng P 1-M  para ilaro at kada panalo nito ay nangongolekta ng 15% commission  hanggang sa maubos din lahat  ang nasabing pera.

Dahil dito ay kinuha ng mga suspect ang susi ng kotse na hiniram ng biktima sa kaniyang kaibigan at puwersahan itong isinakay sa kotse patungo sa isa pang  hotel casino kung saan pinalagda ito ng sapilitan sa dokumento na nagsasaad na humiram siya ng P2-M.

Disyembre 8 nakakuha ng pagkakataon ang biktima na magpadala ng mensahe sa kaniyang kaibigan at itinuro ang kanilang lokasyon kung saan ay pinipigil siya ng mga suspect na palalayain habang hindi nababayaran ng kaniyang pamilya ang nasabing halaga.

Kamakalawa nasakote ang mga suspect sa isinagawang operasyon.

PNP ANTI-KIDNAPPING GROUP VILLAFLOR BANNAWAGAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with